Humaba na ang usapin tungkol sa kontrobersiyal na pagpapatanggal ng TV host na si Willie Revillame sa inset ng funeral cortege ni dating Pangulong Corazon Aquino sa Wowowee noong August 3. Hanggang sa umabot na ang isyu sa pagpa-file ng indefinite leave of absence ni Willie sa kanyang noontime show sa ABS-CBN.
"ALAM KO TITIRAHIN NA AKO NG LAHAT." Pero bago nag-leave si Willie sa Wowowee noong August 8, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap siya sa kanyang dressing room sa ABS-CBN. Dito ay ipinahayag niya ang kanyang panig sa insidente.
"Tinitira na ako, di ba?" umpisa niya. "Hindi naman ako nakapag-offend nun, e, di ba? Alam ko titirahin na ako ng lahat. Iki-clear ko lang yun... Hindi ko naman 'pinagtatanggol ang sarili ko."
Kuwento niya, "Kasi ganito ang nangyari... Nung Monday [August 3], dumating ako dito [sa Wowowee studio]. Tumawag si Phoebe [Anievas, executive producer ng show]. 'Kuya, baka ma-preempt tayo, maggi-give way tayo.' Sabi ko, 'That's good. Sige, mag-give way tayo.' Tapos, biglang mamaya, 'Kuya, okey lang na mag-tape tayo for tomorrow, which is Tuesday.'
"So, Monday yung live; Tuesday and Wednesday, yung magiging taping namin. Pero kahapon [Wednesday] wala dahil preempted nga. Sabi ko, 'Good, para makakapagbakasyon tayo.'"
Patuloy niya, "So, maya-maya nag-tape na ako ng opening, 'Giling-Giling.' Tinape ko na lahat. So, from there, na-stop lang kami sa 'Willie of Fortune.' Bakit? Kasi magla-live na raw. So, nagulat na naman, 'Bakit magla-live na naman tayo?' E, yun daw ang order.
"Sige, nanonood ako dito [sa dressing room]. Napapalabas na kami. Tinape ko na yung unang portion, e. Ang unang portion, yung 'Giling-Gling' at saka 'Cash or Bukas.' So, nai-tape ko na. Yung 'Willie of Fortune,' wala pa. So, habang naonood ako sa [dressing] room ko, naggigiling-giling kami lahat, in-insert ang kabaong ni Tita Cory.
"Diyos ko! Tinawagan ko si Tita Linggit [Tan, Head of TV Production]. 'Ta Linggit, ano ba naman 'yan? Ang pangit. Ang pangit sa atin niyan. Nagluluksa, nagdadalamhati ang kasambayanan, and then makikita na nagsasaya tayo.'
"Tinanggal naman. So, wala. Okey na. Bumalik naman ako live na 'Willie of Fortune.' E, di masaya. I think yung pangalawang contestant, yung dalawa, sumasayaw yung babae, pinasok na naman [yung live footage]!Doon ako nag-react. Imagine, sinabi ko na, di ba?
"From then, ang sinabi ko, nilabas ko na naman. Sabi ko, 'Wala ba kayong pakiramdam?' So, sana prineempt na lang natin. Hindi na lang tayo inere. Yun ang totoong nangyari. In fairness naman sa ano, fault naman nila. Inamin naman nila sa akin, may mali sa traffic daw yun, e.
"My point is, kung napanood ninyo yung YouTube nung Monday, maayos naman yun. 'Ano ba naman kayo? Paano ako makakapagsaya kung makikita ko si Tita Cory nand'yan. Ang pangit tingnan,' sabi ko, di ba? Inalis na yun. Ang dami nang nag-ano. Siyempre, gagamitin na 'yan," paglalahad ni Willie, ang tinutukoy ay ang mga malimit tumiligsa sa kanya at sa Wowowee.
"MAGRE-RESIGN AKO KUNG MALI AKO." Ano ang sinabi sa kanya ng ABS-CBN management?
"Ang sinabi ko sa ABS-CBN, 'May mali ba ako o wala?' 'Hindi, tama ka nga... Yung manner.' 'Manner? Tinawag ko na sa inyo 'yan before off-cam. Tinawag ko na 'yan sa inyo,' kay Tita Linggit. Siguro, di ba, from then na tinawag ko kay Tita Linggit, ino-on na naman [yung funeral cortege] doon sa 'Willie of Fortune.' Si Tita Linggit, na-off siya doon. Medyo nagalit siya doon. Kasi siyempre, in-order na niya yun, e.
"Hindi ko alam kung sa traffic 'yan o sa News or whatever. So, sabi ko sa ABS-CBN... Nagwo-worry sila, ang daming text brigade. Kahit na po mag-text brigade dalawampung milyon, otsenta milyon, kung mali ako, sabi ko, tatanggapin ko. Magre-resign ako kung mali ako, di ba?
"Pero kung sakali naman na tama ako, kahit mag-text lahat 'yan, paniniwalaan n'yo ba 'yan? E, siyempre, paninira na sa inyo 'yan. 'Tsaka tandaan ninyo, hindi lang naman tayo ang istasyon. Maraming istasyon. Hindi ko sinasabing... Hindi ba, maraming nagmamahal sa ibang istasyon? So, yung ayaw sa akin, di ba, yung mga solid sa akin, yun lang naman 'yon?"
Matapos ay sinabi niya tungkol kay former President Cory: "Naging Pangulo 'yan, e. 'Tsaka honestly, tine-text ako ni Kris [Aquino, Cory's youngest daughter]. 'I just wanna tell you... I was supposed to tell you last night,' sabi niya. Kahit nung namatay [si President Aquino], nag-message na agad siya [Kris] sa publiko. Sabi ko, 'Condolence to your family, Kris. I hope you're okay.' 'Thank you, Willie...' Nung Sabado yun. 'Gusto mo ba magsalita ako in your behalf? Ano gusto mong sabihin ko sa publiko?'
"Sinabi niya yun. Nasa akin yung text niya na, 'Sabihin mo na lang my whole family is thanking everyone.' Tapos sabi niya, 'On a personal note,' sabi niya, 'Ah, alam mo ba napasaya mo ang Mommy ko? Kasi kapag binabati mo si Josh at si Baby James [mga anak ni Kris], ngumingiti ang Mommy ko. And there was a time na kumakanta kayo nung black guy...' Kinanta kasi yung 'Ikaw Na Nga' nung Negro [sa show], di ba?
"Ang nangyari daw doon, si Baby James, after ng song, kiniss daw ako sa TV. Pagkatapos, parang si Tita Cory, ngumiti raw. 'Alam mo, everybody was so down. But when Baby James kissed you on TV...' ngumiti raw ang Mommy niya. Parang naiba raw ang tempo sa ospital."
"MAGLA-LIE LOW MUNA AKO..." Aware si Willie na gagamitin ng mga kritiko niya ang insidente at hindi siya titigilan.
"E, yung ganun, hindi ka titigilan talaga ng mga 'yan. Magla-lie low muna ako, pero dahil sa health ko," diin ni Willie.
Kumusta ang health niya?
"Okey naman," sagot niya. "Hindi naman matindi. Meron akong iniinom na tatlong gamot, tatlo lang—meron sa Pantalox sa intestine, Plavix sa heart.... Wala naman akong high blood."
Hanggang ngayon ay naka-leave pa rin si Willie sa Wowowee at hindi pa tiyak kung kailan siya babalik sa show.
credit:
http://ph.news.yahoo.com/pep/20090817/ten-willie-revillame-magre-resign-ako-ku-fb4fa78.html
Tuesday, August 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment